Nagpulong na sina outgoing US President Barack Obama at incoming President Donald Trump.
Kapwa isinantabi ng Democrat at Republican leaders ang pagiging kritiko ng isa’t isa at pinag-usapan ang maayos na transition sa White House.
Napag-alamang halos isang oras na inabot ang one on one meeting ng dalawa.
Ayon kay Obama, hangad niya ang tagumpay ni Trump dahil mangangahulugan ito ng tagumpay ng buong bansa.
Nagpasalamat naman si Trump sa pag-imbita sa kanya ni Obama na tinawag nyang isang very good man.
Idinagdag pa ni Trump na hindi siya mangingiming humingi ng payo kay Obama kung kinakailangan.
Samantala, nagkaroon na rin ng hiwalay na pulong sina First Lady Michelle Obama at asawa ni Trump na si Melania.
By Len Aguirre