Pupulungin ni Senador JV Ejercito ang mga pamunuan ng TNVS o Transport Network Vehicle Service tulad ng Grab at Uber gayundin ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Ito’y para subukang lutasin sa mapayapaang paraan ang ikinakasang service ban ng ahensya sa mga transport network companies.
Ngunit ayon kay Ejercito, nais niyang magkaroon ng kompromiso ang magkabilang kampo gayundin ay mabigyang soluyson ang mga pagkukulang sa pampublikong transporasyon para sa kapakanan ng mga pasahero.
Kailangang maipaunawa sa LTFRB na kaya pumapatok ang mga TNC’s tulad ng Grab at Uber ay dahil sa magandang serbisyong hatid nito sa publiko hindi tulad ng iba pang public transport tulad ng mga taxi, jeepney at mga bus na madalas inuulan ng mga pagbatikos mula sa publiko.
By Jaymark Dagala
Pulong sa pagitan ng LTFRB at Grab-Uber ikinakasa was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882