Nakipagpulong ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kabilang ang World Bank sa pagsa-sapinal ng Metro Manila Flood Management Project.
Ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes, layon ng naturang proyekto na maiwasan ang pagbabaha sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at sa kalapit probinsya.
Dagdag pa ni Artes, paiigtingin ng Solid Waste Management System upang maibsan ang pagbabara sa mga estero at mga kanal.
Samantala, magdaragdag din ng Pumping stations sa mga lugar na mabilis na bahain partikular sa Maynila. —sa panulat ni Jenn Patrolla