Kapwa nasa Cebu City ngayon sina dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio.
Gayunman, parehong itinanggi ng kampo nina Marcos at Duterte – Carpio na nagkaroon o magkakaroon ng pulong sa pagitan nilang dalawa.
Ayon kina Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco, tagapagsalita ng presidential daughter, binisita lamang ni Mayor Inday ang pinsang si Cebu City 5th District Board Member Red Duterte.
Nilinaw naman ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, na nasa Cebu City ang dating senador upang dumalo sa birthday celebration ng asawa ng pinsang si Leyte Rep. Martin Romualdez, na si Yedda.
Gayunman, agaw-pansin ang suot na “hoodie” ni Mayor Duterte na may nakasulat na “sara all 2022” dahilan upang umugong ang ispekulasyong posibleng pulitika ang pag-uusapan ng dalawang kampo sa Cebu City.—sa panulat ni Drew Nacino