Hindi na matutuloy ang pinakahinihintay na paghaharap nila Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Emperor Akihito.
Ito’y ayon sa Pangulo ay bunsod ng pagpanaw ng 100 taong gulang na tiyuhin ng emperador na si Crowned Prince Mikasa.
Ayon sa Pangulo, pinili niyang huwag nang ituloy ang pagbisita sa royal palace upang magbigay daan sa pagluluksa ng royal family.
Si Prince Mikasa ay nakababatang kapatid ng yumaong Emperador Hirohito na siyang ama ng kasalukuyang emperador.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping