Apat sa sampung Pilipino ang tutol na amyendahan ang Saligang Batas sa pamamagitan ng charter change.
Batay ito sa pinakabagong survey na inilabas ng Pulse Asia na unang inilathala sa website ng Philippine Daily Inquirer.
Mula sa 1,200 respondents, 44 na porsyento ang nagsabing hindi sila pabor na palitan o amyendahan ang ilang probisyon ng 1987 Constitution.
Tatlumpu’t pitong (37) porsyento naman ang nagsabing pabor sila na amyendahan ang Saligang Batas habang 19 na porsyento ang undecided.
By Jaymark Dagala