Pito sa bawat 10 rehistradong botante ang mayruong kamalayan sa party-list system.
Ito ang lumabas sa resulta ng Pulse Asia Survey kung saan nasa 76 porsyento ang nakarinig, nakabasa o nakapanood na patungkol sa sistema ng party-list.
Naitala sa Metro Manila ang pinakamataas na awareness level na nasa 82 porsyento habang 88 porsyento naman sa buong Luzon.
57 porsyento naman ang naitala sa Visayas habang 75 porsyento naman sa Mindanao.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Abril 10 hanggang 14 sa may 1,800 botante na may edad 18 pataas.