Tinawag na irrational ni Pulse Asia President Ronald Holmes ang mga nagbabasura sa survey result dahil lamang hindi pumapabor sa isang partikular na kandidato.
Sinabi ni Holmes na inaasahan na rin naman nilang ang mga partisan ay hindi magiging makatuwiran lalo na sa pagtingin sa survey results.
Hindi naman aniya perpekto ang mga survey at nagkakamali rin naman ang social scientists.
Binigyang diin ni Holmes na makakatulong ang survey para maplantsa ng mga kandidato ang kanilang strategies.
Una nang inilabas ng Pulse Asia ang March Presidential Survey nito kung saan nangunguna pa rin si dating senador Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. bagamat bumaba ang ratings nito.