Nilinaw ng pulse asia survey na hindi natutukoy sa mga isinasagawang election survey kung sino ang mananalo sa halalan.
Ayon kay Dr. Ana Maria Tabunda, ang ipinapakita lamang ng mga election survey na ito ay ang mga kandidatong napipisil ng publiko na tumakbo sa partikular na puwesto.
Ani Tabunda, kung mapapansin sa mga nakaraang presidential elections, ang mga nangunguna sa mga maagang inilabas na survey ay hindi naman nananalo pagdating sa resulta ng eleksyon.
Giit ni Tabunda, ang survey ay nagbibigay lamang ng ideya sa publiko kung ano ang preference ng ibang tao o kung sino ang maaaring kumandidato.
Marami pa aniyang isyu na posibleng lumabas sa mga susunod na panahon na maaaring maka-impluwensya sa mga botante.