Mariing pinabulaanan ng Pulse Asia Research Incorporated na sa kanila galing ang lumabas na resulta ng isang survey noong Semana Santa.
Ito’y makaraang kumalat sa social media ang umano’y survey na isinagawa sa pagitan ng Marso 21 hanggang 25 kung saan, nangunguna umano si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon sa Pulse Asia, Marso 15 hanggang 20 pa sila huling gumawa ng survey na kinumisyon ng ABS-CBN.
Anumang resulta ng survey ay dapat tingnan ng publiko diretso sa kanilang website upang hindi makalikha ng kalituhan hinggil sa mga survey results.
By Jaymark Dagala