Makakaranas ng maaliwalas na panahon ang malaking bahagi ng Luzon na may pulu-pulong mga pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, posible pa ring makaranas ng maulap na kalangitan ang bahagi ng Batanes at Babuyan Islands na may mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi.
Maaari ding umiral ang easterlies at Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) kayat asahan na magiging maulap ang bahagi ng Central at Eastern Visayas.
Maaliwalas naman ang panahon sa eastern part ng Visayas pero may posibilidad ng mga isolated rain showers at thunderstorms.
Magiging maulap naman ang kalangitan sa silangang bahagi ng Mindanao habang posible namang ulanin ang kanlurang bahagi nito.
Magkakaroon din ng pulu-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa nalalabing bahagi pa ng mindanao lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26°C hanggang 33 °C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:31 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:29 ng hapon.