Hawak na ng MMDA ang pulubi na nag-viral sa social media matapos pagbantaang batuhin ang isang motorista na hinihingan nya ng P100.
Napag-alamang dinala sa Jose Fabella Center sa Mandaluyong ang pulubi.
Ayon kay Bong Nebrija, special traffic and transport zone head ng MMDA, ipapadrug test nya ang pulubi upang makasiguro.
Inutusan na rin ni Nebrija ang mga tauhan ng MMDA para mag rescue at ikutan ang iba pang pulubi na sa EDSA na nambabato.
Una rito, kumalat sa social media ang video kung saan makikitang pinukpok ng bato ng pulubi ang windshield ng kotse ng isang babae at ginasgasan pa ang pinto ng kotse.
Sa caption ng video, sinabi ng biktima na humihingi ng P100 ang pulubi na hindi nya binigyan.