Pumalo sa halos 4.6 milyon ang pumanaw dahil sa COVID-19 sa buong mundo.
Iyan ay matapos na madagdagan ng 10,074 ang bilang nito noong miyerkules.
Ayon sa World Health Organizations, maaring doble hanggang triple ang kaso ng mga nasawi kaysa sa mga official records dahil sa sobrang mortality rate na hindi o direktang maiuugnay sa COVID-19.
Amerika naman ang may naitalang new deaths sa bilang na 2,084 na sinundan ng bansang mexico na may 879 at Russia na may 794.—sa panulat ni Rex Espiritu