Lumobo sa 2,987,891 ang bilang ng lahat ng nasawi dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Ito ay batay sa tala ng AFP news agency mula sa mga official sources ngayong Biyernes.
Habang 139,008,120 naman ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa buong daigdig.
Batay sa ulat, nangunguna ang Brazil sa may pinakamataas na bagong naitatalang nasasawi sa loob ng isang araw, sumunod ay ang India at Estados Unidos.
Samantala, Czech Republic naman itinuturing na may pinakamataas na bilang ng mga bilang ng mga namamatay sa naturang virus kada araw kung pagbabatayan ang populasyon, sumunod ay ang Hungary, Bosnia-Herzegovina, Montenegro at Bulgaria.—sa panulat ni Agustina Nolasco