Binigyang papuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pumanaw na si Pope Benedict XVI.
Ayon sa CBCP, hindi malilimutan ang mga kabutihang nagawa ng yumaong Santo Papa na kinilala rin bilang “Pope of Charity.”
Sinabi ni CBCP president Pablo Virgilio David, na kung itinuturing si Pope Francis na Pope of Mercy and Joy, kinikilala naman aniya si Pope Benedict bilang Pope of Charity.
Sinabi pa ni David, na isang “great theologian, catechist, at musician” si Benedict XVI.
Simula bukas, araw ng Lunes, ihihimlay ang labi ni Pope Benedict sa Saint Peter’s Basilica na magiging bukas para sa publiko.