Pumapalo sa 350,000 pasahero sa international at domestic ang nabawas dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ni MIAA General Manager Ed Monreal na naitala ang nasabing bilang ng pagbaba ng pasahero mula January 25 haggang February 17.
Subalit sinabi ni Monreal na ngayong naalis na ang travel ban sa Taiwan at partially lifted na rin ang travel ban sa Hong Kong at Macau unti-unti nang makakabangon ang airline companies at inaasahang lalakas muli ang bilang ng pagdating o pag-alis ng mga pasahero.
Samantala ipinabatid ni Monreal na pinag-aaralan pa ng MIAA at CAAP ang hirit ng airline companies na alisin na ang runway fee para maitaguyod ang local tourism.