Tiwala ang isang commuter’s group na isang malaking sumpa para kay Davao City Mayor Sarah Duterte ang tila pumapalya nang pamamahala ng kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang reaksyon ni National Center for Commuter Safety and Protection Chairperson Elvira Medina dahil sa paniniwalang susundan lamang ng anak ang yapak ng kaniyang ama.
Aniya, dahil sa tila kawalang malasakit ng pamahalaan sa taumbayan taliwas sa kanilang inihahayag sa publiko, mas humirap pa ang buhay ng isang komyuter sa kasalukuyang panahon.
Sa halip aniyang sama-samang linisin ng mga Pilipino ang dungis ng bansa, tila pinalalala pa ito ng Pangulong walang ginawa kundi magmura at maghamon.