Pinasaringan ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga senior officer na kumokontra sa nakaumang na promosyon ni ARMM Police Director for Operations Senior Superintendent Rolando Anduyan.
Si Anduyan ay isa sa nanguna sa panig ng PNP na nakipagbakbakan sa Marawi City.
Hamon ni Dela Rosa sa mga kumokontrang opisyal, sumabak din aniya ang mga ito sa giyera tulad ni Anduyan.
Giit ni Dela Rosa, hindi niya magagawang bigyan ng promosyon ang mga senior officer na walang ginagawa at nakaupo lamang sa de-aircon na opisina kumpara sa mga junior officer na humaharap sa mga kalaban.
Pumunta siya sa Marawi, makipag-patayan siya doon sa mga terorista kung gusto niya because that’s what Colonel Anduyan did.
Andun siya, na-wounded siya sa encounter. Anong gusto niyo? Porke senior kayo. Senior kayo andyan lang kayo sa opisina, walang ginagawa, kayo i-una kong i-promote?