Kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang pinaka-matinding kritikong si Senador Antonio Trillanes sa puna nito sa kasong usurpation of authority ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kaugnay ito sa madugong Mamasapano operation sa Maguindanao na ikinasawi ng 44 na PNP-Special Action Force Troopers noong Enero, 2015.
Magugunitang inihayag ni Trillanes na maaaring maging “bad precedent” o masamang halimbawa kung sasampahan ng kasong usurpation of authority ang Pangulo dahil lahat ng mabubulilyasong police at military operations ay sa kanya isisisi bilang commander-in-chief.
Iginiit ni Pangulong Duterte na imposible ang isinampang kasong usurpation of authority o pang-aagaw ng kapangyarihan laban kay Aquino gayong saklaw nito ang buong AFP at PNP.