Tiwala si dating Chief Justice Reynato Puno na kuwalipikado si Supreme Court Administrator Midas Marquez sa posisyon ng Associate Justice.
Sa ipinadalang liham ni Puno kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagrerekomenda kay Marquez, kanyang sinabi na kilala niya ang kanyang dating chief of staff ng pagkakaroon ng matibay na “moral fiber” at higit na kaalaman para maging isang mahistrado.
Dagdag ni Puno, hindi rin aniya matatawaran ang ipinakitang katapatan at integridad ni Marquez bilang pinakamatagal na court administrator ng Korte Suprema.
Taong 2010 nang italaga bilang court administrator si Marquez at ngayo’y kabilang sa shortlist ng Judicial and Bar Council para sa iiwanang posisyon ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr.