Sarado ang punong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila bukas at sa Marso 16.
Ayon kay immigration Commissioner Jaime Morente, ito’y upang bigyang daan ang sanitation at disinfection sa kanilang tanggapan.
Dahil dito, inabisuhan ng ahensya ang mga mayroong kumpirmadong online appointments na i-rebook ang kanilang schedule.
Samantala, may mga nakatalaga namang skeleton workforce para sa general at critical support services ng nasabing ahensya.