Naghandog ng bulaklak si Pangulong Rodrigo Duterte sa puntod ng mga naging Pangulo ng Pilipinas kasabay ng paggunita ng sambayanang Pilipino sa Undas o All Saint’s Day ngayong araw.
Kabilang sa mga inalayan ng bulaklak ng Pangulo ay ang puntod nila dating Pangulong Ferdinand Marcos, Elpidio Quirino, Diosdado Macapagal at Carlos Garcia na nasa Libingan ng mga Bayani, Taguig City.
Nag-alay din ng bulaklak ang Pangulo sa puntod ng nila dating Pangulong Ramon Magsaysay, Manuel Roxas at Sergio Osmeña sa Manila North Cemetery gayundin sa puntod ng mag-asawang dating Pangulong Cory at dating Sendor Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Nag-alay din ng bulaklak ang punong ehekutibo sa puntod ng mga yumaong dating Pangulong Emilio Aguinaldo sa Kawit, Manuel Quezon sa Quezon City Circle at Jose P. Laurel sa Batangas.
Samantala, inaasahang ngayong araw daragsa ang mga tao sa Libingan ng mga Bayani na tinatayang aabot sa isa hanggang dalawandaang libo dahil sa naranasang mga pag-ulan kahapon.