Wala pang eksaktong petsa ng libing sa yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Gayunman, inihayag ng Philippine Army na mahigit sa kalahati o 60% nang tapos ang isinasagawang konstruksyon sa magiging burial site sa dating Pangulo.
Ayon kay Col. Benjamin Hao, tagapagsalita ng Army, walang gagastusin ang gubyerno sa pagpapagawa ng puntod sa yumaong dating Pangulo dahil babalikatin ito ng pamilya Marcos.
Muling binigyang diin ni Hao na bibigyan ng full military honors si Ginoong Marcos tulad ng iginagawad sa mga yumaong dating Pangulo ng bansa.
By: Jaymark Dagala