Paliit na ng paliit ang halaga ng kayang gastusin ng isang manggagawa sa pribadong sektor na aabot na lamang sa dalawandaang piso kada araw.
Batay iyan sa isinagawang monitoring at evaluation ng ALU-TUCP o Alliance of Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines mula noong buwan ng Hunyo.
Ayon kay Alan Tanjusay, tapagsalita ng ALU-TUCP, katumbas na lamang ng nasabing halaga ang aabot sa tatlongdaan at tatlumpu’t limang pisong minimum wage na tinatanggap ng mga manggagawa.
Ito’y dahil aniya sa sobrang mahal ng mga pangunahing bilihin na karaniwang isinisisi naman sa inflation at ng mas mataas na buwis na ipinapataw sa ilang mga produkto.
Magugunitang sinabi noon ng NEDA o National Economic Development Authority na kinakailangan ng hindi bababa sa apatnapu’t apat na libong piso kada buwan o isanlibo apatnaraang piso kada araw ng isang pamilyang may limang miyembro para makapamuhay ng disente