Inihayag ng Department of Education (DEPED) na hindi na babalik sa pure face to face classes ang mga mag-aaral sa bansa.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, na habang isinusulong ng DEPED ang pagpapatuloy ng physical classes, ang blended learning ay nananatiling default learning delivery modality.
Dadag pa ni Briones, na panahon na para isipin kung saan o paano matututo ang isang bata dahil mayroong iba’t ibang approach na magagamit bukod sa pure face-to-face learning.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Assistant Secretary Malcolm Garma, ang pangangailangan para sa DEPED na magtakda ng mga mekanismo at pag-institutionalize ng mga proseso na magpapatakbo ng blended learning. —sa panulat ni Kim Gomez