Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na naghain ng leave of absence si dating PNP Chief Director General Alan Purisima.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Bartolome Tobias, nitong linggo ay isinumite ni Purisima ang kanyang leave application na epektibo ngayong araw hanggang sa Hulyo.
Gayunman, hindi direktang masabi ni Tobias kung aprubado na ito o kung sino ang kinakailangang mag-approve.
Nagtapos na kahapon ang ipinataw na suspensiyon ng Ombudsman kay Purisima at ngayong araw ay dapat pumasok na ito o mag-report sa Camp Crame, depende o naaprubahan ba ang kanyang isinumiteng leave.
By Jelbert Perdez | Chris Barrientos (Patrol 21)