Pansamantalang nakalaya ang sinibak na Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima matapos magpiyansa sa kasong graft may kaugnayan sa umano’y maanomalyang courier service deal.
Tatlumpung libong piso (P30,000) ang inilagak na piyansa ni Purisima sa Sandiganbayan 6th Division matapos itong maaresto sa NAIA Terminal 3.
Nilinaw ni Atty. Ponciano Corpuz, abogado ni Purisima na boluntaryong sumuko ang kanyang kliyente at hindi inaresto ng PNP-CIDG.
Ayon naman kay 6th Division Clerk of Court Atty. Mary Ruth Ferrer, hindi nag-turn over ng return warrant ang CIDG sa korte kaya’t maituturing na voluntary surrender ang nangyari.
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)