Makabubuti umanong magsagawa ng ultimate sacrifice si dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima sa pamamagitan ng early retirement.
Ito ang naging payo ni Senator Koko Pimentel kay Purisima sa harap ng balita na nagiging sagabal sa pagtatalaga ng Pangulong Aquino ng bagong PNP Chief ay ang ranggo nito bilang 4-star general.
Ngayong babalik na si Purisima sa active service dahil patapos na ang kanyang suspensiyon, sinabi ni Pimentel na sana’y mapagtanto ng dating PNP Chief na ang kanyang ranggo ang nagiging sakit ng ulo ng Pangulo sa pagtatalaga ng bagong pinuno ng Pambansang Pulisya.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)