31 kahon ng imported na sigarilyong ipinuslit sa Indanan, Sulu ang nasabat ng mga otoridad.
Natagpuan ng mga pulis ang mga abandonadong kahon sa Sitio Laum Niyog, Barangay Kajatian.
Ayon kay Maj. Edwin Sapa, Hepe ng Indanan Police, naglalaman ang mga kontrabando ng mga brand na Canon, Famous, B and R at stone.
Agad tumakas ang mga mag-de-deliver sana ng mga sigarilyo sa isang buyer nang mamataan ng mga pulis
Itinurn-over na sa Bureau of Customs sa Jolo ang nasabat na shipment habang inaalam pa ang halaga nito. —sa panulat ni Drew Nacino