Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang puspusang pagre-recruit ng mga miyembro ng NPA o New People’s Army.
Ayon kay Col. Arnulfo Burgos, Commanding Officer ng 202nd Brigade ng Philippine Army, patunay dito ang nakubkob nilang training camp ng NPA sa Batangas City.
Apatnapu hanggang limampu katao anya ang puwedeng magkampo sa lugar bukod pa sa kumpleto ito sa kagamitan para sa pagsasanay ng mga mandirigma.
Sinabi ni Burgos na batay sa kanilang nakuhang impormasyon, isang Jetro ang namumuno sa grupo ng mga NPA na kanilang naka-engkwentro nitong linggo.
Kaugnay nito ay nanawagan sa mamamayan si Burgos na ipagbigay-alam agad sa kanila kapag may mga bagong salta sa kanilang lugar na kahina-hinala ang kilos.
“Mayroong mga informant tayo, may mga asset na andiyan sa lugar na nagbibigay ng impormasyon sa atin, galing din sa mga mismong nandoon sa barangay, yan kasing grupong yan, yan yung nag-ooperate diyan sa lugar na nagko-conduct ng extortion activities, alam mo naman marami sa mga taga-Batangas ang nagne-negosyo, gusto lang nila ang tahimik at progresibong buhay kaya lahat yan nagsisikap.” Pahayag ni Burgos
(Ratsada Balita Interview)