Nasungkit muli ni Russian President Vladimir Putin ang pinakamataas na posisyon sa kanilang bansa sa isinagawang reelection.
Landslide ang pagkapanalo ni Putin na nakakuha ng 75.9 percent ng kabuuang boto.
Ang pinakamahigpit na kalaban ni Putin sa pagkapangulo na mula sa Communist Party na si Pavel Grudinin ay nakakuha lamang ng labing tatlong porsyento ng mga boto.
Dahil dito, manunungkulan si Putin hanggang taong 2024.
Nangako naman ang Pangulo ng Russia na gagamitin ang kanyang bagong termino para pagpapataas ng pamumuhay ng kanilang mga mamamayan at pagpapalakas ng kanilang depensa.
—-