Muling tatakbo sa eleksyon sa Marso sa susunod na taon si Russian President Vladimir Putin.
Inanunsyo ito ng Russian leader sa kanyang pakikipagpulong sa mga manggagawa sa Gaz Factory sa syudad ng Nizhny Novgorod.
Sakaling manalo sa susunod na taon, si Putin ay ituturing na longest-serving president simula noong panahon ni Joseph Stalin.
Sa kasalukuyan, si Putin ay labing-walong (18) taon nang nanunungkulan bilang lider ng Russia.
—-