Nilagdaan na ni Russian President Vladimir Putin ang batas na magpapahintulot sa kaniya upang manatili bilang pangulo ng Russia.
Ito ay matapos na maging ganap na batas ang isang panukala na magpapahintulot kay Putin na tumakbo pa para sa dalawang anim na taong termino bilang presidente ng Russia.
Dahil dito, maari pang manatili sa pwesto si Putin hanggang sa taong 2036.
Sa ilalim ng nasabing batas, inirereset nito ang presidential term limits kaya’t maari pang muling kumandidato sa pagkapangulo si Putin sa taong 2024, matapos ang higit dalawang dekadang panunungkulan bilang lider ng Russia.