Tinutulan ni Russian President Vladimir Putin ang pagtanggap sa mga nagsilikas mula sa bansang Afghanistan sa mga bansang malapit sa Russia.
Ayon sa ulat ng Russian News Agencies, ayaw raw ng presidente ng Russia na makapasok ang mga militante na nag-babalat kayo bilang mga refugees.
Bagamat pinapayagan naman nila ang Visa Free Travel para sa mga residente ng Ex-Sovient Central Asian Countries hindi sila tatanggap ng mga lumikas mula sa Afghanisthan.
Sa kasalukuyan, ilang mga Western Countries ang na ang nagpahayag na dapat payagan muna ang mga refugees na lumikas sa mga kalapit na Central Asian countries habang inaasikaso pa ang kanilang visa sa United States at Europe. —sa panulat ni Rex Espiritu