Sumiklab ang putukan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan laban sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Paglas sa Maguindanao, kagabi.
Ayon kay Philippine Army 6th Infantry Division Spokesperson, Lt Col. John Paul Baldomar, tinatayang nasa 100 mga miyembro ng mga BIFF ang umokupa sa Datu Paglas.
Mababatid na habang kinurdunan ng mga pwersa ng pamahalaan ang Datu Paglas public market, at tsaka nagpaulan ng putok ang mga miyebro ng BIFF.
Dahil dito, agad namang inilikas ng mga awtoridad ang mga residente malapit sa lugar.
Samantala, tiniyak naman ni Datu Paglas Mayor Datu Abubakar Paglas na under control na ang sitwasyon sa kanilang lugar.