Maayos na serbisyo.
Apela ito ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan.
Kasunod na rin ito nang pagtataas sa singil sa pasahe simula sa October 4.
Binigyang diin ni Atty. Ariel Inton ng LCSP na dapat tapatan ng PUV drivers at operators ang dagdag pasahe.
Kadalasan aniyang reklamo ng commuter ang matagal na paghihintay, siksikan sa loob ng mga sasakyan at kulang na jeep, bus at maging taxi.