Umaabot na sa mahigit 1,000 traditional at modernized public utility jeepney drivers sa Metro Manila ang pumirma na ng kontrata para mapabilang sa service contracting program.
Sa ngayon ay mino-monitor na ng systems manager ng programa ang kabuuang kilometrong bini-byahe ng mga driver.
Ang service contracting program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay isinagawa batay na rin sa Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as One Act para makapagbigay ng dagdag kita sa mga driver ng bus at jeep.
Ang mga driver ay sumailalim sa orientation ng LTFRB at ng systems manager para mas maunawaan nila ang programa.