Hindi umano dapat gawing sapilitan ang modernisasyon ng public utility vehicles (PUVs).
Ito ang binigyang diin ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa public hearing ng Senado hinggil sa PUV modernization.
Ayon kay Recto, dapat ay boluntaryo lamang ang pagbili ng bagong pampasaherong jeepney at huwag obligahing itapon lamang ng mga tsuper ang kanilang lumang pampasada.
Giit pa ng senador, hindi lahat ng PUV operator ay may kakayahang bumili ng bagong jeep lalo aniya ngayon na mahirap ang buhay dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.