Inilunsad ng DOTr o Department of Transportation ang PUV modernization program na mag a-adjust sa bilang ng mga papasadang jeep.
Ayon pa sa DOTr, bukod sa pag-phase out sa mga jeep na may edad kinse (15) anyos pataas, layon din ng nasabing programa na tutukan ang rationalization scheme para maayos ang bilang ng PUV’s kada ruta.
Depende sa pangangailangan, magtutulungan ang DOTr at LGU’s o local government units para dagdagan o bawasan ang bilang ng PUV’s na dumadaan sa isang ruta.
Ang rationalization scheme ay malaking factor para mabawasan ang colorum vehicles at kabilang dito ang mga bagong PUV’s na Euro 4 compliant at mga tumatakbo gamit ang renewable energy.
By Judith Estrada – Larino