Planong itatag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang PUV Modernization Program ng mga pampublikong sasakyan sa bansa.
Ayon kay LTFRB Executive Director Robert Peig, ito ay hakbang upang matiyak na maipagpatuloy ang programa para mas mapaunlad pa ang mga pampublikong transportasyon.
Nasa ilalim ng isang ‘Special Project’ ang programa at sa kadahilanan nito para sa kaginhawaan ng mga mananakay.
Samantala, aabot sa mahigit 7,000 na ang buma-biyahe sa modernized jeepney sa buong bansa.
Gayunman, patuloy namang isinusulong ng LTFRB ang modernisasyon ng mga pampublikong jeep. —sa panulat ni Jenn Patrolla