Sisimulan na sa susunod na linggo o taong 2018 ng Department of Transportation (DOTr) ang pag – phase out sa mga lumang jeep na edad labinglima (15) pataas.
Ito ay bilang bahagi ng public utility vehicle (PUV) modernization program.
Ayon kay Transportation Undersecretary Thomas Orbos, magkakaroon ng tatlong (3) taong transition period na magsisimula sa Enero upang tuluyang mapalitan ang mga lumang jeep ng mga moderno at mas komportableng jeepney.
Ilulunsad aniya ng DOTr ang motor vehicle inspection system ang mabatid ang edad ng isang jeep at roadworthiness nito.
Samantala, iginiit ni Orbos na hinidi “anti – poor” ang PUV modernization program dahil aayudahan naman ng gobyerno ang mga jeepney operator.
Matatandaang ilang beses nang nagsagawa ng tigil – pasada ang ilang transport group para tutulan ang naturang modernization program.