Umabot na sa mahigit 119,000 public utility vehicles (PUV) operators ang nakatanggap na ng tulong sa ilalim ng direct cash subsidy program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Ayon sa LTFRB, ito ay 88% ng kabuuang bilang ng beneficiaries ng programa
Aabot sa P6,500 ang natanggap ng bawat operator.
Sa kabuuan ay may P774-milyon ang naipamahaging pondo simula nang simulan ang pamimigay nito nung ika-16 ng Nobyembre.
Ang programang ito ay bahagi ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) na layong matulungan ang mga operator na nahihirapan makabawi ng kanilang kita dahil sa safety protocols na pinaiiral sa mga pampublikong transportasyon.