Obligado na ang lahat ng public utility vehicles (PUV) na magkaruon ng manifesto kapag nagbukas muli ang operasyon ng mga ito sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra III, na lahat ng PUVs tulad ng bus, jeep, tricycle, taxi, at Transportation Network Vehicle Service (TNVS), ay dapat mgkaruon ng record ng kanilang mga pasahero para sa contract tracing habang nananatili ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasabay nito ay umapela rin si Delgra sa publiko na magkaruon ng sariling record ng mga detalye ng mga sinakyan nilang PUV.
Ayon pa kay Delgra, isinulong nila sa PUV operators ang posibleng cashless payment systems na ipinatutupad na ng TNVS.