Naniniwala ang AFP o Armed Forces of the Philippines na nanghihina na puwersa ng grupong MAUTE – ISIS sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, patunay dito ang pagkakabawi ng militar sa tulay ng Mapandi at Banggolo na mahigpit na pino – protektahan ng mga terorista.
Gayunman, aminado si Padilla na hindi pa rin tuluyang nawawasak ang depensa ng Maute – ISIS group.
Aniya, marami pa ring patibong na pampasabog ang nakakalat malapit sa lugar na pinagkukutaan ng mga terorista at sinasalubong pa rin anya ng mga bala ang mga umaabanteng sundalo sa main battle area.
Sa kabila nito, kumpiyanasa ang militar na matatapos na ngayong buwan ang kaguluhan sa Marawi City.