Lumakas pa ang puwersa ng Islamic State sa Afghanistan sa kabila ng pagkaubos ng kanilang mga miyembro sa Iraq at Syria matapos ang ilang taong civil war.
Batay sa intelligence report ng US Armed Forces, umaabot na sa 5,000 ang mga miyembro ng tinaguriang ISIS-Khorasan sa Afghanistan sa gitna ng pagdami ng mga pag-atake ng teroristang grupo.
Lumalawak na rin ang teritoryong kinukubkob ng ISIS habang naglilipatan na sa kanilang panig ang ilang miyembro ng Taliban.
Dahil dito, pinangangambahang sumiklab ang panibagong digmaan sa Afghanistan.