Unti-unti ng nanghihina at lumiliit ang mga hawak na terirtoryo ng grupong Islamic State sa Iraq.
Kinumpirma ni UN Secretary-General Antonio Guterres na bumabagsak na ang oil at extortion revenue ng ISIS dahil sa pagkawala ng mga teritoryo nito.
Ayon kay Guterres, hirap na ring makahimok ang terror group ng mga bagong recruit dahil maliit na rin ang iniaalok nitong bayad.
Bukod sa Iraq, naka-defensive mode na rin anya ang ISIS sa Afghanistan, Libya at Syria at nanganganib maubos ang mga miyembro nito dahil sa pinaigting na operasyon ng US-led coalition.
Inihayag din ni Guterres na ito na ang indikasyon ng unti-unting pagbagsak ng ISIS pero ibinabala na maaaring sumulpot ang mga supporter nito sa ibang bansa o maghanap ng bagong pamumugaran.
By Drew Nacino
Photo Credit: www.un.org