Humina na ang puwersa ng Maute-ISIS na pinamumunuan ni Owayda Benito Marohomsar alyas Abu Dar sa bulubunduking bahagi ng Lanao del Sur.
Ayon kay Col. Romeo Brawner, Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao, patuloy na nababawasan ang mga miyembro ng teroristang grupo kung saan apatnapu’t anim (46) sa mga ito ang sumuko na sa pamahalaan.
Sinabi ni Brawner, na kasamang isinuko ng mga miyembro ng Maute-ISIS ang mga pagmamay-ari nilang mga baril at armas.
Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa niyang tanggapin ang mga terorista at bigyan ito ng hanap buhay kung kusa ang mga ito na susuko sa gobyerno.
—-