Tiwala ang AFP o Armed Forces of the philippines na ubos na ang puwersa ng ISIS – Maute terrorist group sa Pilipinas.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, karamihan aniya sa mga natitirang terorista ngayon ay mula sa Abu Sayaf at BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Batay sa pagtaya ng militar, aabot lamang umano sa 250 lamang talaga ang kabuuang puwersa ng Maute group sa bansa.
Dumami lamang ito ayon kay Año sa Marawi City matapos magrecruit at mangako ng labinlima hanggang tatlumpung libong pisong buwanang suweldo sa sandaling maging matagumpay ang kanilang pagkubkob sa lungsod.