Itinanggi ng Philippine Navy na may kinalaman sa nangyaring Balintang Channel shooting incident ang pagdaragdag nila ng puwersa sa karagatang sakop ng Batanes.
Ayon kay Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Hesus Millan, pagbabantay lamang sa teritoryo ng bansa ang tanging layunin ng kanilang hakbang.
Binigyang diin ni Millan na nais lamang nilang makatiyak na walang sinumang dayuhan ang mangangahas na gumawa ng iligal na gawain sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Pinaigting na rin nila ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya tulad ng Coast Guard, BFAR at DOST para mapalakas ang kapabilidad ng bansa sa pamamagitan ng suporta mula sa pamahalaan.
By Jaymark Dagala