Babantayan ng Philippine National Police (PNP) ang mga lugar na maaaring pagmulan ng kaguluhan sa darating na 2022 national and local elections.
Sinabi ni PNP Director for Intelligence Police Brigadier General Mike Dubria, sa kasalukuyan nasa 39 na bayan at pitong lungsod ang kanilang tinututukan kabilang dito ang region 2, 3, 5, 6 at BARMM.
Dagdag ni Dubria, mayroong apat na kategorya ng hotspots ang ginawa ng kapulisan para sa eleksiyon, ito ang green, yellow, orange at red.
Kasama sa qualifier ng PNP para madeklarang hotspot ang isang lugar ay ang mga insidente rito ng karahasan, political rivalry, at presensya ng mga armadong grupo na puwedeng manggulo.
Sa ngayon, isinasapinal pa ang listahan na hawak ng PNP.